Remembering Mount Olympus

Wala na ang Plantation Bay. Kakalungkot namang isipin pero heto ang katotohanan. Change is inevitable. Pero kay mareng Mean naman, "change is good" daw. Opinyon nya yun, pero sa amin isang lubos na hindi. Magtatatlong taon na ang nakalipas ng mapadpad ako sa Mount Olympus, partikular sa lugar ng Plantation Bay. At minsan ako’y naging katulad ng mga tauhan doon, isang hamak na magsasaka, pulubing magsasakang maituturing. Siguro’y sariwa pa sa aking mga katuto nung mga panahong umuulan ng ginto sa talahiban kahit sa panahon ng tag-araw at talagang sagana ang bawat anihan. Noong mga panahon yaon, mas madalas na nasa sakahan ako kesa sa bahay-kubo. Mas mahaba ang oras na ginugugol ko sa pagtatanim, kaya nga halos magtampo na ang aking mga kapamilya kasi bihira na nila ako makita. Kapuso? Wala ako nun. No time for love, ika nga. Uuwi lang ako para matulog, kumain, maligo, magpalit ng damit at may mga panahong di na nila ako makatsismisan man lang tungkol sa latest showbiz balita o matapunan ng kahit kunting pagtingin. Kahit nga pag-"pupu" ay minsan sa Plantation Bay ko na lang ginagawa. Kasi naman, kaiga-igaya ang mga palikuran doon. Mi temperature-sensor ang ihian, toilet bowl at faucet kaya auto-flush ang tubig. Di mo na rin kelangan pang magworry sa tabo kasi mi hi-tech na hose. Pati tissue paper, pakasawa ka. Sarap nga magpalipas oras dun sa maghapong pagtratrabaho sa palayan kasi naman swabeh ang aircon. Ang linis pa ng tiles kasi maya’t-maya mi utility staff na nakatoka dun para magpakintab at mag-quarantine ng palikuran. Naalala ko rin na sa sobrang dedicated ko sa work, nakakaligtaan ko ng mag-day-off. Kaya naman nabuo ang Sunday Cabinet. Sila yung mga pinagpalang malalakas ang tuhod harangan mo man ng bagyo eh papasok pa rin para makapagtanim. Pero sadyang mahirap ang buhay, kaya kahit Sabado, pag pwede ay pinapatos na rin. Seven days a week na kumakayod. Buhay ka pa nun? Eh ganun talaga si Tito Erik. Binibigay ang hilig sa mga magsasaka. 149hrs of OT. Tsk tsk tsk record-breaking, undisputed OT King. Naalala ko din yung Cable TV, sofa bed at unlimited internet access sa lounge area habang nagpapahinga sa ilalim ng kahoy na balete. Minsan tinanggal program sa pakikipag-"chat" sa mga aliens, pero salamat sa meebo.com tuloy ang ligaya ng mga magsasaka. Opps! Baka yung iba dyan di pa alam tung site, pwede pa humabol. Hayyy! Kaka-miss yung libreng prutas at choco drinks sa pantry habang overlooking sa mga nagtataasang "Tore ni Babel" at sa ibaba tanaw yung mga nag-iinarteng callboys at callgirls na akala mo kung sino eh mga wala namang pera. Yung company uniforms, outing, team-building at mga reimbursements kahit na nga nagkaroon ng kunting "optical" scandal. Si Tito Fred at ang kanyang mga dabarkads na mga fellow Presidential Security Guards. Sila ate at kuya sa pantry na buong tiyagang naglilinis sa mga kobyertos na pinaglawayan namin. Yung buhay-GY. Sa pagkakatanda ko, last week ko na lang sa Plantation Bay nung nakaranas ako na pumasok ng umaga. Wala eh, sumisikip na ang mundo kaya kelangang magpalamig muna sa ibang kandungan. Lagi kasi noon pasok eh 2:30-11PM at kalagitnaan naman eh naging 9PM-5:30AM kung saan namamayagpag ang mga aswang sa gabi-gabing fiesta ng pizza, ice cream, cake, fried chicken at coke. Namiss ko tuloy si "Miss Chay". Siya yung magandang bebot na referee namin sa mini-team building tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan, kung saan lumalabas ang mga terorista at mga engkanto. ARE YOU FROM HERE? Well, kung hindi, sorry ka. You’ve missed a lot! Pero ang hindi ko makakalimutan eh yung mga totoo at plastik na karakter sa labas at loob ng Plantation Bay. Mi totoong kaibigan at mi hambog at puro hangin lang. Mi sweet at mi mga nagkakatampuhan. Mi magaling at nagmamagaling. Napansin ko lang naman. Batu-bato sa langit ang tamaan, sorry na lang. Bilang pagtatapos, heto isa lang ang sigurado. Masarap ang golddusts sa Plantation Bay! 5-digit figures lagi ang paluwagan tuwing katapusan. Life is good pa rin! Isang magandang alaala, kahit minsan sawi sa pag-ibig =) Heto ang aking buhay bilang magsasaka. Ikaw, ano kwento mo? Kaibigan, tara usap tayo! =)

2 comments:

Ricojake Almabis said...
This comment has been removed by a blog administrator.
RaYe said...

hmmnnn... i wonder kung sino si ms chay???

Post a Comment

Copyright © 2009 - Pulubing Magsasaka - is proudly powered by Blogger
Converter: Blog and Web | Tweaked and Widgetized by :Blogger Templates