Last Sunday was the last day of the PartyCasino.Net World Cup of Pool 2009. Hindi na ako nakapunta sa SM North City Annex dahil sa sama ng panahon, pero during the 1st day of the said event, that was on September 1, Tuesday, I had the opportunity na makita ang karamihan sa mga sikat na pool players around the world. Nakuntento na lang ako sa panood sa TV.
Gaya ng inaasam ng sambayanan, pumasok sa semis ang Team A at B ng Pilipinas. Sina Dennis Orcollo at Ronny Alcano para sa Team A. Sina Efren Reyes at Django Bustamante para sa Team B. Sa unang laro ng semi-final match, nakatapat ng Team B ang Team China. Ang Team China din ang nagpatumba sa defending champion na Team USA. Malambot ang mga kamay at magagaling ang mga tsinoy. Halos benta ang bawat breaks nila. Pero sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, natapos din ang laro at nanalo pa rin ang Team Philippines B sa score na 9-8.
Sa ikalawang round ng semis, nakatapat naman ng Team A Philippines ang Team Germany kung saan andun sina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann. Kasama si Ralf Souquet sa ilan sa mga paborito kong foreign pool players. Sobrang galing ng mamang ito at kita naman sa dami ng accomplishments niya pagdating sa bilyar. 50/50 ako pabor sa Team Philippines at Team Germany. Marami ang naghahangad na sana maging all-Filipino showdown na lang ang Finals ng World Cup pero sa kasamaang-palad, tinalo ng Team Germany ang grupo nila Orcollo at Alcano sa isang kakapanginig na 9 racks to win format sa score na 9-6. Sadyang minalas ang mga Pilipino sa dry breaks o dili kaya illegal breaks. Kakainis nga ang rule ng larong ito. Kasi sa pagsargo ng bola, dapat daw at least 3 bola ang makatawid dun sa marker. O pwede din na isa lang ang makatawid basta 2 bola o mahigit pa ang pumasok sa butas. Pwede din na 2 bola ang makatawid basta mi 1 isang bola na papasok sa butas. Kaya ayun. Ang pinalad na maghaharap sa Finals ay ang Team Philippines B versus Team Germany.
6PM na ata yun ng mag-resume ang laro, ang final game kung saan $60,000 ang paghahatian ng 2 miyembro ng mananalong koponan. Agad na umarangkada ang Team Philippines sa 3-0 na kalamangan pero yung lumipas na halos 2 oras, naging pangit at nakakainis na ang mga tira nila Efren at Django. Nung dumating ang score sa 8-6 pabor sa mga Germans, di na ako nanood at pumasok na lang ako sa kwarto para matulog. Pero after ng ilang minuto bumalik uli ako sa sala para manood at nagulat ako ng makitang 9-9 tabla ang laro. Yung sumunod na natitirang 2 racks ay sobrang nakaka-tense na ang bawat yugto. Parang ang tagal ng oras. Sa tuwing tumitira ang Germans ay sobrang tahimik ng crowd sa gilid ng pool area. Iniisip ko nga, sobrang swerte naman ng Team Germany dahil pag nagkataon 2 teams ng Pilipinas ang tinalo nito sa crucial na tagpo pa naman. Pero dininig ata ang dasal ng bawat Pinoy. Natapos ang laro sa score na 11-9 pabor sa mga Pinoy. Napasigaw si Django sa huling tumbok ni Efren para sa panalo. Halatang nairita ng kunti ang Team Germany sa ingay ng mga Pinoy simula't sapol pa ng labanan. Pero alam naman ni Ralf Souquet na ganun talaga kainit ang mga Pinoy kaya nga ilang beses na rin siyang pabalik-balik dito sa Pinas at nag-eenjoy siya sa mainit na hospitality ng mga tao. Pero isa lang ang napansin ko sa halos lahat ng foreign pool players, approachable sila para sa photo ops at autographs. Kahit nga talo na, nakangiti pa rin sila. At grabeh... ang gagaling nilang lahat!

0 comments:
Post a Comment